Nanloob sa congressman kilala na

KILALA na ng awtoridad ang grupong nanloob sa Senior Pedro Dressed Chicken Plant na pag-aari ng isang kongresman sa Brgy. Mohon, Tagoloan, Misamis Oriental.

Pansamantala namang hindi muna pinangalanan ng pulisya ang grupo upang hindi makaapekto sa kanilang imbestigasyon.

Bukas ay kakasuhan na ang mga suspek batay na rin sa testimonya ng mga lumutang na mga saksi.

Kaninang umaga ay nag-report sa pulisya si Rep. Peter Unabia, nang looban ang kanyang planta at tangayin ang P130,000 kita at ikinamatay pa ng isang gwardya.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply