Napagkamalang target; 3 katao utas sa ambush

PATAY ang tatlo katao makaraang mabiktima ng ambush sa Sitio Baybayatin, Barangay Lagayan, Abra, Martes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Jonalyn Tagan at Arbano Santos, habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng isa pa.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na napagkamalan lamang na puntirya ng mga suspek ang mga biktima na agad nagsitakas matapos isagawa ang krimen.

Hinala ng awtoridad na may kinalaman ang ilegal na droga sa krimen makaraang may makarinig na isang testigo na kinuwestyon ng grupo ng mga suspek ang ipinagkatiwala na “pakete” sa mga biktima.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply