National artists at CDO ng Kyusi

MULI, bigyan natin ng pagkakataon ang ating mga reader para maihayag nila ang kanilang mga kaisipan, paniniwala, karanasan at karaingan.

Heto po ang ilan sa mga masusugid nating texter ngayong araw.

MAGSASAKA TULUNGAN

Nabasa ko kahapon ang kolum n’yo, ang agrikultura. Kung epektibo lang sana ang pagpapatupad ng programa ay napakalaking sagot sa paglutas ng unemployment  sa bawat lalawigan. Tutukan sana ang pagsasaka at magsasaka mismo ang tulungan. Salamat po. Ben San juan,  Tanay, Rizal. +63927652….

PANATAG SHOAL AT PM THATCHER

Benny, I just  want to comment on the Scarborough issue. Remember Margaret Thatcher – the iron lady of Britain? Despite the fact that her country is thousands of miles away from the disputed Falkland Islands with Argentina, her royal navy crushed the enemy. But in the case of China vs RP, I think that we should not act or feel like we are David trying to beat Goliath isn’t it? Mr. Martinez of Cainta. +63921343….

BAYARANG COMELEC

Good pm, sir Benny ng ULTIMATUM. Sa totoo lang ang problema ay nasa Comelec dahil sila mismo ang nag papagamit sa mga politiko kapalit ng malaking halaga ng pera. May kasabihan nga na kung gusto mo ng manalo, bayaran mo ang Comelec. Huwag niyo nang ilatha ang number ko. Concerned citizen, Taguig City. Thank you, sir Benny, more power and good health always. +63928366….

PANATAG SHOAL IPAGLABAN

Good day po sa inyo, sir Benny  ‘ULTIMATUM’. Mahalaga  ang mga islet sa Spratly Island. Diyan kami nabubuhay sa yamang dagat gaya ng isdang bato at parrot fish na ini-export sa Japan. May octopus   din. Marami ring isda riyan gaya ng lapu-lapu, lobster, mamsa, talakitok, dalagang bukid, labahita, eel moray, tanige at Spanish  marlin.  Nakapagtapos ang mga anak ko sa college dahil sa mga isda na galing d’yan. Sa Open Line ni Bobby  Ricohermoso, sinabi niyang walang pakinabang ang isla roon dahil lumulubog sa tubig kung high tide. Sus naman! Kung ang Spratly Island at mga islet at Scarborough shoal ay pag-aari ng Pilipinas, dapat itong ipaglaban. Huwag basta ibigay sa China. Salamat po. +63908487….

WALANG NABARIL NA PULIS

Kung ano-ano ang idinedepensa ng kapulisan ng Parañaque sa nangyaring kaguluhan sa demolisyon sa Parañaque.  Kesyo may mga baril daw na mga kalibre .38 at iba pa ang mga residente. Kung totoo yan, sana may nabaril na pulis pero wala. Pulis din ang guma-mit ng Backshot at kalibre.38 na baril hindi yung mga residente. Gawa-gawa lang ng pulis-Parañaque ang mga bersyon na yan para idepensa ang kanilang kabuktutan sa trabaho. MAXIMUM TOLERANCE, salita lang ng kanilang opisyal sa media pero wala sa katotohanan. Talagang puro kapalpakan ang  kapulisan. Greta Almendras ng Zamboanga. +63920823….

PILIPINAS KINAKAWAWA

Ngayon kinakawawa tayo ng China dahil ‘di natin nagampanan ang pag-aalaga ng ating teritoryo sa karagatan. Paano kasi, ang mga politiko at AFP ay walang ginawa para mapaunlad at mamodernize ang gamit ng airforce at navy natin. Puro bulsa at pagpapalaki lang sa tiyan ang ginagawa nila. Kaya nating pantayan lahat kung ang mga nakaupo sa gobyerno at AFP ay may malasakit sa inang bayan. +63939225….

KRIMEN SA PASIG CITY

Isa po akong concerned citizen dito sa amin sa Sto.  Tomas, Pasig City. Nagtataka ako, madalas ang krimen sa aming lugar. Laganap na naman ang shabuhan dito sa Muslim country. Wala man lang media tuwing may nagaganap na krimen dito.  +63907160….

WALANG BENEPISYO

Good pm, Mr. Benny. Isa po akong empleyado ng Tradeworx Agency. Magtu-two years na po ako sa kanila. Ang tanong ko po, ano-ano ang mga benepisyo na makukuha ko habang may trabaho pa? At yung five-day leave po ba pag hindi nagamit ay kailangan nilang bayaran ng cash? at kailan po ba dapat ito i-

release? Salamat po. Aantayin ko po ang inyong kasagutan. +63923272….

MARUNONG NA SENADOR

Isa pa itong senador na nagmamarunong, si papogi points Lito Lapid! Ilang taon na sa Senado pero walang nagawa! Basura na nga sa Senado nakisawsaw pa sa usapin nina Nora at Vilma. Mukha ang ginamit niya para makapasok sa Senado. Kung ano-anong walang  kabuluhan ang pinakikialaman nito. Pls. publish but not my number. Thanks! +63949901….

KALOKOHAN SA CDO

‘Yung building official ng Quezon City Hall ay nag-issue na ng cease and decease order o cdo sa Grezarville pero may mga nagpapatayo na naman ngayon ng malalaking bahay. Para saan ba yung cdo na yan? May pinipili po ba yang mga building official, Engr. Sotelo and Atty. Awa? +63915394….

MARCOS HANAP-HANAP

Mang Benny, yang mga nagawa ni Pang. Marcos ang hinahanap sa mga nagawa nina Cory at PNoy na ‘di ko nakita. Kaya nasasabi kong wala pang dapat tanawin na utang ang sambayanang Filipino sa dalawa na iyan. Puro daldal at kayabangan ang alam. +63927748….

WALANG ALLOWANCE

Good pm po. Asawa po ako ng pinsan ni Arthur Soriano, asawa po ni Gem. Teacher po ako rito sa Cubao Elem School. Nagtataka lang po ako kung bakit wala pa po kaming mayor’s allowance. April na po, bakit wala pang para sa March? Sana po maaksyunan ninyo ito para maalarma si Mayor Herbert. Kawawa naman po kaming mga titser. +63947548….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply