Navy pinadidistansiya sa Scarborough Shoal

UPANG bahagyang mapawi ang tensyon sa karagatang sakop ng Scarborough Shoal sa pagitan ng Pilipinas at China ay pinadistansiya muna ang barko ng Philippine Navy at ipinasa ang kaso sa Philippine Coast Guard upang siyang magpatupad ng maritime law sa nasabing area ng South China Sea.

Ayon sa AFP Northern Luzon Command Chief Lt/Gen. Anthony Alcantara, “our coast guard is now in the area, it is now relieving our navy of its role to take care and enforce maritime law dun sa site.”

Subalit nilinaw ni Alcantara na hindi umaatras ang Pilipinas at patuloy nitong igigiit ang karapatan at soberenya ng bansa sa nasabing bahagi ng karagatan.

“Hindi na siya yung primary role kasi siya yung nakahuli e, the other day, so susuporta lang ang navy natin. That’s not the, we are just relieving in place, we are not saying anything about that pullout, ani Alcantara.

Naniniwala naman ang AFP at defense department na mareresolba sa mapayapang pamamaraan ang nararanasan ngayong sigalot sa West Philippine Sea.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply