Nawalan ng baril, sundalo nag-amok, todas

PATAY ang isang army corporal nang makipagbarilan sa kapwa sundalo sa loob ng headquarters ng 1st Infantry Tabak Division ng Philippine Army sa Pagadian City matapos mag-amok  sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Cpl. Bennajir Jamalul, nakakulong sa 1st ID Disciplinary barracks simula pa noong February 2, 2012 dahil sa kasong violation of Articles of War 84 o ang pagkawala ng kanyang service firearms, habang nakatalaga sa 35th Infantry Battalion.

Hinihinalang dumaranas ng stress ang napatay na sundalo dahil sa kasong kinakaharap kaugnay sa pagkawala ng kanyang baril na nawala habang nagsasagawa ng rescue mission sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Sendong.
Sinasabing habang nakakulong si Jamalul sa barracks ay nagkaroon ito ng pagkakataon na agawin ang M16 service firearm ng naka-duty na Military Police (MP) guard na nakilalang si Cpl Dolauta.

Pinagbabaril nito ang mga taong makita sa may bisinidad ng MP barracks at saka tumakas sa western part ng kampo kung saan nakaposisyon ang 1st Light Armory Battalion ng division.

Kaagad namang inalerto ni Cpt Estribillio, officer-in-charge ng 1st ID Military Police ang mga tropa ng 1st LAB.

Dahil dito, binantayan ng mga sundalo ang lahat ng mga posibleng exit points.

Habang papatakas si Cpl. Jamalul, napansin nito na may mga sundalong nakabantay na mula sa kanyang kinaroroonan kaya nakipagbarilan si Jamalul na naging resulta ng kanyang pagkamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply