NBI pinatutulong sa imbestigasyon sa napatay sa P’que demolition

PINAKILOS na ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation partikular ang Death Investigation Division na tumulong sa imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng isang lalaki sa ginawang demolisyon sa Silverio compound sa Parañaque.

Ito ang resulta ng pakikipagpulong kahapon (Abril 24) ng pamilya ng namatay na biktima kasama si Bayan Muna Rep. Teddy Casiño kay Justice Undersecretary Francisco Baraan.

Tiniyak ni Justice Usec. Baraan na tutulungan nila ang mga biktima ng umano’y marahas na pagtrato ng ilang pulis sa demolisyon sa lungsod ng Parañaque.

Ayon kay Baraan, inatasan na niya ang NBI-DID na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa kaso at agad na irekomenda ang kaukulang kaso laban sa mga pulis kung kinakailangan.

Hindi naman nagbigay ng takdang panahon ang DOJ sa NBI hinggil sa gagawing imbestigasyon pero tiniyak ni Baraan sa pamilya ng biktimang si Arnel Leonor, na gagawin ang lahat para sa agarang pagresolba ng kaso.

Nilinaw ni Baraan na mananatiling lead agency ang PNP sa imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply