NBI tutulong sa paghahanap kay Ecleo

INATASAN na ni Justice Secretary Leila de Lima ang national Bureau of Investigation para tumulong sa paghahanap kay Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr.

Ayon sa kalihim, sa ngayon ay hindi pa sila nagdedeklara ng manhunt operation laban kay Ecleo ngunit may direktiba na ito sa ahensya na tumulong sa Philippine National Police (PNP) sa paghahanap sa kongresista.

Gayunaman, tiniyak din ni De Lima na magkakaroon ng koordinasyon at palitan ng impormasyon ang NBI at  PNP na siyang lead agency upang mabilis na mahanap si Ecleo.

Ayon pa kay de Lima ginagawa nila ang lahat upang mahanap si Ecleo at mapapanagot ito sa kasong pagpatay sa kanyang asawa.

Una nang tiniyak ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., na hindi nila kakanlungin si Ecleo na may warrant of arrest.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply