NDRRMC nagbigay ng huling abiso

SA HULING pagkakataon, nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mamamayan sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng paglulunsad ng rocket ng North Korea simula ngayong araw, Abril 12 hanggang Abril 16.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos, sa mamamayan na mag-ingat at maging alerto.

Sa ngayon ay nakalatag na ang ipinadala nilang limang barko para sa “sweeping operation” upang linisin ang karagatan sa Silangang bahagi ng Luzon.

Kasado na rin ang 50,000 sundalo na maaaring rumesponde kung sakaling magka-emergency para na rin sa seguridad ng mga mamamayan.

Samantala, una nang sinabi ng NoKor sa foreign media na hindi isang nuclear weapon o isang military weapon ang kanilang pakakawalan kundi isang satellite missile lamang na may self-destructing mechanism na hindi makapipinsala sa ibang bansa.

Ayon kay Ramos nakatanggap na siya ng intelligence report mula sa Japan na ngayong umaga, April 12 ay may posibilidad na ilunsad na ng NoKor ang naturang rocket.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply