Negros Oriental niyanig ng 3.2 magnitude na lindol

NAITALA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude 3.2 na lindol sa Negros Oriental kaninang alas-6:58 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang intensity II sa mga bayan ng Tayasan at Guihulngan sa nasabing probinsiya.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa hilagang kanluran ng La Libertad, Negros Oriental na tinamaan ng magnitude 6.9 na lindol nitong Pebrero lamang.

Base sa ulat ng Phivolcs, mababaw lang ang lindol at tectonic ang origin nito o resulta ng paggalaw ng tectonic plate sa Visayas region.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply