Nganga (flopsina!) ang movie nina Gwen Zamora, Aljur Abrenica at Rhian Ramos!

NGANGA (flopzing!) sa takilya si Gwen Zamora tulad Nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica

So far, maganda naman ang review, lalo na sa acting department ng ‘international’ movie ni Gwen Zamora.

We saw the movie twice at talaga namang commendable, generally, ang pelikula. Puwede nating ipagmalaki si Gwen dahil mukhang naungasan pa niya ang mga Indonesian counterpart niya in terms of acting.

Puwedeng-puwede talaga siyang bigyan ng mga heavy drama roles rito sa atin.

Pero NGANGA si Gwen sa takilya. Palibhasa, starlet lang at walang mass following, ayun, flop ang movie at mukhang di makababawi ang GMA Films sa in-invest nila sa naturang movie. Mas lalo namang di kilala ang mga Indonesian actor na kasali sa The Witness kaya talagang inisnab ng local audience si Gwen Zamora.

Ang speaking of GMA Films, nganga rin sina Rhian Ramos at Aljur Abrenica. The day we watch the movie in a first class mall, wala, mga ipis at lamok ang dinatnan namin sa loob ng sinehan. Pinagwelgahan ng publiko ang My Kontrabida Girl.

Ang speaking of flop na pelikula, ganyan din ang naging kapalaran ng Aswang movie ni Erich Gonzales. Kay rami ng mga aleluyang nasulat tungkol sa acting kuning-kuning ni Erich, e sa true lang, nakati-turn off siya.

Hitsura talaga ng isang amateur theater actress sa klase ng acting niya. OA na OA si Corazon.

At may victory party pa kuning-kuning ang ABS-CBN. Para saan?

Gimik! para ipalitaw na kumita nang laksa laksa ang movie nila.

The nerve!

***

SOLVED daw si Maritoni Fernandez sa kanyang Legacy role bilang tumandang malanding bold star na nanay ni Alex de Rossi. Tipong ito na yung pina-naka-exciting na role sa tinagal-tagal na niya sa showbiz.

“Yung feeling na bored ka na sa trabaho, di ba yung ganun nang ganun, na laging ganun. Dumarating sa puntong ganun e, di ba?

“Nung dumating itong role na ito talagang nabuhayan ako ng loob ulit, parang… tsaka excited ako pumasok sa trabaho hindi tulad dati parang, ‘Ito na naman…’ di ba, mundane?” umpisang pahayag ni Maritoni.

Ngayon daw ay nalalaro na niya ang kanyang karakter.“Exactly! Ang sarap! Unang labas ko pa lang dito yung kami ni Eddie Garcia, ‘Fafa!!!’

“Yung ganun. Markadong-markado iyon! Sabi ko kay Kuya Eddie, ‘Kuya Eddie, lalandiin talaga kita, ha?’ Kasi bold star ako rito, di ba?

“Maraming-marami pang parating na mga eksena namin ni Cherie Gil na tarayan, ang ganda talaga.

“Kasi yung role ko rito hindi siya yung pangkaraniwang kontrabida e, asar-talo yung role, talagang pang-asar.

“Kaya ang dami talagang fans or yung mga nanoood at sumusubaybay na talagang na-e-excite na talagang they’re happy na may ganoon palang pang-aasar o pangko-kontrabida.

“Tapos kami pa ni Alex (Alessandra de Rossi), na gumaganap na anak ni Bernadette Leviste… ito, isa pa ito e,
‘Tiktak ka ng tiktak diyan,” sabay-tawa ni Maritoni.

“Ang galing na artista nitong si Alex e, ang galing niya talaga, magaling siya.”

Mas magaling kina Lovi Poe at Heart Evangelista na lead female stars rin ng Legacy?

“Para sa akin. Sorry ha? pero talagang parang tunay na isang ina, pinakamagaling talaga sa kanilang tatlo, ang anak ko!”

o0o

Kontrabida ang ina, kontrabida rin ang anak!

‘PAG ina ka, natural lang yung ipinagmamalaki mo sa lahat ang anak mo. Si Lexi Fernandez, para sa nanay niyang si Maritoni ang pinaka sa mga kasabay niyang Tween Hearts gals.

Kumusta naman ang anak niyang si Lexi Fernandez?

“Okay very busy, ayun, kauumpisa niya lang ng Just One Summer [movie ng GMA Films]. Siya yung kontrabida run.

Tinanggap ko siya, kontrabida. Kasi kinausap ako nina Miss Annette [Gozon-Abrogar of GMA Films], sabi nila,
‘Ton alam ko na ayaw mo siyang magkontrabida pero sobra ang ganda ng role!’

“Pinramis nila sa akin na yung role niya sa Just One Summer talagang mamahalin siya ng lahat nang bakla sa Pilipinas!

“Ganung tipo.

“Alam mo bakla yan [si Lexi]! Para siyang, ang dating niya kasi para siyang si Marian [Rivera], pag hindi mo kilala di ba parang santa-santita, di ba?

“Pero pag bumuka na yung bibig, bakla pala di ba? Ganun e, ganun si Lexi. Pag nakilala ninyo, kuwelang-kuwela yun.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply