Ninang ginilitan ng inaanak, todas

TODAS ang isang lola matapos gilitan sa leeg ng kanyang inaanak sa lalawigan ng Pangasinan kaninang umaga (Abril 19).

Bukod sa gilit sa leeg, nagtamo rin ang biktimang si Clarita Basera, 61-anyos residente ng bayan ng San Quintin, ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sumuko naman agad sa Tayug PNP, ang suspek na si Napoleon Elarde, residente ng Tayug, Pangasinan, upang panagutan ang ikinasang krimen.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:30 kaninang umaga sa loob mismo ng bahay ng suspek.

Ayon sa ilang kapitbahay, bago ang krimen at sa hindi malamang dahilan ay biglang sinugod ng biktima at tinalakan ang suspek sa bahay nito.

Pero maya-maya lamang ay biglang tumahimik ang paligid at ilang sandali ay nadiskubre ng mga kapitbahay na wala ng buhay ang biktima.

Sa presinto, tikom naman ang bibig ng suspek pero nakitaan ang mga kamay nito ng dugo na pinaniniwalaang nakuha nito sa pananaksak sa biktima.

Inihahanda na ang kasong homicide laban sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply