No bail sa Pinay na nagnakaw sa Hong Kong

HINDI pinahintulutang makapag-piyansa ang isang Pinay na nagnakaw ng $143,000 Hong Kong Dolars sa nasabing bansa.

Nakapiit pa hanggang ngayon ang hindi pinangalanang Pinay na empleyado ng isang travel agency doon.

Sa inisyal na ulat na nakalap ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang nasabing Pinay ay nagnakaw umano ng $143,000 Hong Kong Dollars na katumbas ng kalahating milyong piso.

Ang pagkakapiit ng Pinay ay nang hindi tinanggap ng Korte ang alok na $25,000 Hong Kong Dollars ng nasabing Pinay, bilang piyansa sa kanilang pagharap sa Korte nitong nakalipas na Marso 15.

Itinakda naman sa April 11 ang susunod na pagharap sa korte ng nasabing Pinay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply