No monetary incentive sa Mayo Uno – Malacañang

WALANG monetary incentive na ibibigay ang pamahalaan sa mga manggagawa sa Araw ng Paggawa o Labor Day sa Mayo 1.

Sa idinaos na 2nd Ministerial Meeting ng Abu Dhabi Dialogue, sinabi ni Labor and Employment (DoLE) Secretary Rosalinda Baldoz na ipinaubaya na niya sa regional wage boards ang usapin ng umento sa sahod ng government workers.

Sa kabilang banda ay may non-wage benefits na sinisikap ng gobyerno na ibigay sa mga manggagawa.

Ito ay ang pagtugon sa problemang kaakibat ng contractualization at jobs fair para sa mga walang trabaho at mga bagong graduate.

Nakatakda namang mag-usap ang economic managers ng Punong Ehekutibo para sa posibleng dagdag benepisyo sa mga manggagawa sa Mayo 1, Labor Day.

Tinatayang mahigit sa 100,000 trabaho mula sa local at overseas ang iaalok ng may 300 employers sa gagawing Job and Livelihood Fair sa May 1 ng DOLE.

Sa inisyal na listahan ayon kay Baldoz, ang kanilang kagawaran ay merong nakalinya na 200 local employers sa business process outsourcing, tourism, banking and finance, hotel and restaurant, health and wellness at construction sectors.

“This activity is open to all jobseekers, new graduates, returning and displaced OFWs, and other interested Filipinos. The POEA has lined up the participation of some 100 licensed private recruitment agencies, 75 of them land-based and 25 sea-based,” ayon sa Kalihim.

Sa bahagi naman ng livelihood component sa okasyon, magkakaroon din ng “livelihood counseling; product display and sales; franchising exhibits; video presentation of successful entrepreneurial, skills training, ang job generation stories; and livelihood skills demonstration.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply