No permanent friends, enemies

ANG sabi ng karamihan, there are not permanent enemies, only permanent interests. At marami naman ang nagpapatotoo sa kasabihang iyan na sa aking paningin ay walang katotohanan.

There is nothing permanent in this world, at lalo namang walang permanent interests.

Wala ring permanent friends maski sa paniwala ng mga Filipino ay permanent ally ang America.

Tingnan na lang ninyo ang kaso ni dating Pangulong Erap Estrada. Matapos siyang patalsikin ni dating President Gloria Macapagal Arroyo, iisipin ninyong permanent enemies na sila sa isa’t isa.

Mukhang nagkakamali tayo.

Si Erap ngayon ay open na to accepting Arroyo allies sa kanyang partidong katatatag lamang na United Nationalist Alliance (UNA).

Ang founder ng UNA ay si Erap, na unang nagtayo ng Partido ng Masa, at si Vice President Jejomar Binay ang magiging standard bearer para sa susunod na presidential elections.

Kung sakaling manalo si Binay sa pagka-Pangulo, tiyak na tanggal si Erap sa pagka-founder ng UNA.

Ang hahalili sa kanya ay si Binay mismo na siguradong magtatayo ng sarili niyang partido. Wala talagang permanent enemies at permanent friends.

Ganyan ang nangyari kay Gloria at yan din ang nangyari kay Joe de Venecia na nagtayo ng rainbow coalition para manalo si Gloria sa pagka-Vice President.

Ganyan din ang nangyari nang si dating Pang. Ferdinand E. Marcos ay nagtayo ng KBL o Kilusang Bagong Lipunan.

Noong una ay umalis si Marcos sa Liberal Party na pinangungunahan ng noon ay Pang. si Diosdado Macapagal.

Lumipat si Marcos sa Nacionalista Party at siya ang naging standard bearer.

Si Fernando Lopez ang naging vice president ni Marcos, pero dahil walang permanent interests talaga, tanggal din sa partido si Lopez.

At sino ang makakalimot kay Emilio Aguinaldo?

Inaya  ni Andres  Bonifacio  si Aguinaldo na sumali sa Katipunan. Ginawa niyang heneral si Aguinaldo.

Pero ano ang nangyari?

Binuwag niya ang Katipunan, pinapatay niya si Bonifacio at nagtatag ng sariling rebolusyon na ibinenta naman niya sa mga Kastila.

Pero balik tayo sa UNA. Dati ay may grupong kung tawagin ay UNO o United Nationalist Organization na ang puno ay si Senador Doy Laurel.

Si Cory Aquino ang kandidato ng UNO sa snap elections bago nag-EDSA revolution.

Naging second fiddle lamang si Doy at ‘di kinalaunan ay tinanggal din sa puwesto ni Cory.

Eh ang UNA. Una-una lang ‘yan, mga pare ko.

Huwag kang maniniwala sa iyong kaibigan, lalo na kung dati naman ay mag-enemies kayo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply