NoKor rocket launch handang-handa na

HANDANG-HANDA na ang North Korea para sa lit off ng kanilang rocket missile bukas hanggang sa Lunes (Abril 12-16) na pinangangambahang babagsak ang debris nito sa bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa space officials ng NoKor, schedule na lamang ang hinihintay para sa tuluyang launching ng nasabing rocket missile.

Naikabit na kagabi (Abril 10) ang Kwangmyong 3 o Shining Star satellite na ilalagay ng North Korea sa kalawakan sa pamamagitan ng Unha-3 rocket.

Samantala, sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na walang dahilan para mag-panic ang publiko kaugnay sa rocket launch ng North Korea.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos na wala namang dalang nakasusulasok at nakamamatay na kemikal ang rocket na ilulunsad ng NoKor.

Dagdag pa ni Ramos, minimal lang ang epekto ng debris lalo na’t sa dagat ang inaasahang babagsakan nito.

Gayuman, tuloy pa rin ang ipatutupad na “no fly zone,” “no sail zone” at “no fishing zone” upang maiwasan ang posibleng kapahamakan sa publiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply