NoKor rocket ipababaril ng Pilipinas

POSIBLENG hilingin ng Pilipinas na ipabaril ang missile rocket ng North Korea sa oras na dumaan sa airspace ng bansa.

Ito ang sinabi ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone matapos maglabas ng pahayag ang Japan na kapag dumaan sa kanilang airspace ang naturang rocket ay kanila iyong ipababaril.

Giit ni Evardone na hindi aniya pinapayagan ang pagdaan ng anumang uri ng sasakyang panghimpapawid sa ere o sakop ng teritoryo ng Pilipinas lalo na kung hindi naman ito pinahihintulutan.

Maaari naman aniyang humingi ng tulong ang gobyernong Pilipinas sa mga Japan, Russia, at Estados Unidos upang ipabaril sa kalawakan ang missile lalo na’t wala namang kakayahang pigilin ng sandatahan ng Pilipinas ang pagdaan nito sa teritoryo ng bansa.

Ang Japan aniya ay maagang nagpahayag na babarilin ang missile rocket ng North Korea kapag dumaan sa kanilang bansa dahil sa pangamba na ikapapahamak ng mga tao ang pagbagsak ng debris ng naturang missile.

Sa ngayon ay pinaghahandaan na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang anumang posibleng mangyari mula Abril 13 hanggang 14 (Biernes hanggang Linggo), ang mga petsang binanggit na posibleng paliparin ang missile.

Bagama’t tinuligsa ang kagawaran dahil sa diumano’y labis na paghahanda o pananakot ay binigyang diin ni NDRRMC executive director Benito Ramos na posibleng magkaroon ng pagkakamali o human error sa panahon ng rocket launch.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply