UPDATE: NoKor tikom pa matapos pumalya ang rocket launch

WALA pang opisyal na pahayag ang Pyongyang government matapos pumalya ang inilunsad na rocket launching.

Ayon sa ulat, limang minuto lamang ang nakararaan nang pakawalan ang naturang rocket ay sumambulat na ito.

Hindi pa kinukumpirma ng Central Intel ng Estados Unidos kung ito ay aksidente o sinadyang pasabugin.

Bago ito, hindi pinansin ng North Korea ang huling apela ng United Nations, at ilang bansa gaya ng Amerika, South Korea at Japan, na huwag ituloy ang rocket launch.

Ikinatuwiran ng NoKor na karapatan nilang maglagaya ng satellite sa kalawakan at iginiit na hindi ito missile test.

Depensa pa ng NoKor na kung balak nilang maglunsad ng missile ay hindi na sana umano sila naging transparent at nag-imbita ng mga banyagang mamamahayag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply