Nominasyon bilang PHL envoy to China iniatras ni Lee

INIATRAS ni Domingo Lee ang kanyang nominasyon bilang embahador ng Pilipinas sa China.

Ito ay kasunod ng anunsyo ni Pangulong Benigno Aquino III na kinukonsidera niyang palitan na si Lee sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang Scarborough Shoal.

Ayon kay Communications Secretary Ricky Carandang, tinanggap na ni Pangulong Aquino ang kahilingan ni Lee na bawiin ang nominasyon nito.

Gayunman, wala pang naibibigay na listahan ng hahalili kay Lee ang Department of Foreign Affairs (DFA).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply