Non-performing state u, colleges ipapasara

UPANG mapaganda ang kalidad ng edukasyon, ipapasara na ng Palasyo ang mga non-performing state universities and colleges sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, layunin ng pamahalaan na siguruhin na mapa-unlad ang antas ng kalidad edukasyon na ibinibigay ng naturang mga paaralan.

Sinabi ni Lacierda na dapat pumasa sa requirements Commission on Higher Education (CHED) ang mga paaralan lalo na at posibleng madaming mag-aaral mula sa private colleges at universities ang maglilipatan dahil sa tuition fee increase.

Ayon kay Lacierda, mas gugustuhin ng pamahalaan na kakaunti lang ang state colleges and universities basta matiyak na dekalidad naman itinuturo ng mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply