Nora Aunor gusto nang makipagbati kay Charo Santos puwera lang kay Manang Cristy ‘tsugi’ Fermin

MALIBAN sa maging seryoso at propesyonal na sa kanyang trabaho, balak din daw ni Nora Aunor na makipagbati na sa mga taong nakasamaan nito ng loob. Actually, iilan lang naman ang mga taong ito at kabilang na riyan ang tinalikuran na lang nang basta-basta ni Ate Guy na si Ma’am Charo Santos-Concio na presidente ng ABS-CBN. Matatandaang grabe ang isinakripisyo noon ni Ma’am Charo para matuloy lang ang mga taping ng Superstar sa top-rating teleserye nila noon ni Carol Banawa na Bituin.

Ayaw na naming mag-elaborate pero sigurado kaming alam na alam ito ni Ate Guy. Di ba, Mana’y Celia Rodriguez? Kaya kung may nasaktan talaga nang husto ang aktres, si Ma’am Charo ‘yun.

Pero teka, sa listahan ng mga taong gustong makabati ni Ate Guy, wala raw roon ang namesung ni Manang Cristy “Tsugi” Ferminata. Meaning hate na hate talaga ng nag-iisang Superstar ang oslang orocanang TV host. Sino ba naman kasi ang hindi masusuka sa pag-uugali ng tulaera at makalumang kolumnistang ito eh, napakababoy nitong manlait ng kapuwa niya? Porke starlet lang sa paningin niya si John Rendez, kung alipustahin niya ito sa kanyang mga bilasang kolum ay para bang isang patay-gutom o hampaslupa. At si Nora mismo, hindi lang niya ito sinisiraan kundi tinanggalan pa ng dignidad. The height! Isulat ba naman ng Ferminatang ito na dahil lulong na sa casino sa Tate si Ate Guy, nati-take na raw nitong magpa-alalay sa isang donya roon kung saan tagabitbit na lang siya ng bag nito.

Grabe! Superstar ng ating bansa ang niyuyurakan mo, Tsugi Queen! Wala ka talagang respeto.

Ano’ng klaseng nilalang ka ba talaga? Just asking lang gyud!

***

Aminin na-afraid sa Moro-moro Something and the Crying Gay tsuk tsuk!

ANG Trinoma at Gateway Cinema ang laging ibinibida ng mga pralalaic ng Moro-Moro Something and The Crying Gay Tsuk Tsuk. SRO raw ang crowd sa movie nilang ito ni John Lapus. Teka?

Sinilip ng aming informant ang SM fairview noong Black Saturday, bakit hindi palabas roon ang nasabing pelikula? Ang sabi, malakas raw ito sa mga SM Cinema at pinipilahan. Bakit? Sabi ng ilang friends namin, wala naman daw pila! Hay naku! Aminin nyong na-afraid kayo kaya last minute ang Moron 5 guys at hindi na si Lapus ang ginawa n’yong bida sa movie. Well, ang report ng Box Office Mojo International na lang ang abangan natin kung kumita ba talaga kayo o lugi.

Personal din kaming pupunta sa mga sinehan para maging fair naman sa lahat. Yes, I will do dat gyud!

***

Umbagan nina Gardo (JC) at Theo (Oyo) sa ‘Valiente’ umabot sa sunugan ng mukha!

NA-SHOCK ang mismong ama ni Gardo (JC de Vera) na si Damian ( Michael de Mesa), ang pamilya Braganza at ang lahat ng dumalo sa kasalang Gardo at Leona (Nina Jose) nang magsalita sa mikropono si Gardo na imbes “oo” ang isagot nito sa wedding vow nila ni Leona ay ibinulgar nito na si Theo (Oyo Sotto) ang totoong pumaslang sa kanyang Nanay Lumeng (Gina Alajar).

Halos hindi makapagsalita ang reyna ng kasamaan na si Donya Trining (Jacklyn Jose) sa bilis ng pangyayari na ang resulta ay halos ikabaliw na ng anak na si Leona na walang araw na hindi hinahanap si Gardo. Sa awa sa kanyang kapatid ay hinanap ni Theo si Gardo at nagtuos sila nito.

Nagsuntukan talaga hanggang sa mahawakan ni Theo ang batok ni Gardo at saka sinunog ang mukha ng kababata at kaibigan. Dito na magsisimula ang paghihiganti ni Gardo Valiente sa tulong ni Don Luis as portrayed by Tirso Cruz 111 na labis na ikagugulat ng mga Braganza dahil ang buong akala nila ay napatay na ito ni Theo. Ang nobyang si Maila (Nadine Samonte) ay idamay rin kaya ng binata sa kanyang napipintong paghihiganti? Abangan ang kasagutan sa pagpapatuloy ng painit na painit na istorya ng Valiente sa ganap na alas-nuwebe ng gabi pagkatapos ng Wiltime Bigtime sa TV5. Ang nasabing top-rating primetime drama series ay produced ng Archangel Media at mula sa mahusay na direksiyon ni Joel Lamangan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply