Notoryus na holdaper todas sa engkuwentro

TUMIMBUWANG ang isang notoryus na holdaper makaraang makipagbakbakan sa mga parak kaninang umaga sa Quiapo, Maynila.

Sa imbestigasyon, 4:40 ng umaga kanina nang maganap ang engkwentro sa Nepomuceno St.  Quiapo, Maynila.

Nabatid na nagpapatrulya ang awtoridad  nang mamataan sa lugar ang suspek na kahina-hinala ang kilos.

Nang lapitan ng mga pulis ang suspek  ay agad itong bumunot ng baril dahilan para mapatay siya ng pulisya.

Inilarawan ang suspek na nasa edad 35-40, may taas na 5’6, miyembro ng sputnik, nakasuot ng asul na maong short, itim na medyas at rubber shoes, puting t-shirt at may tattoo na cobra sa dibdib at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dalawang tama ng bala  sa ulo  at pisngi ang tinamo ng suspek na idineklarang dead on arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH).

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply