NPA patay sa bakbakan sa Surigao Sur

PATAY ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA), habang nasamsam ang matataas na uri ng armas matapos makipagbakbakan sa mga sundalo sa Sitio Malitbog, Brgy. Bitaugan, San Miguel, Surigao del Sur kaninang umaga.

Nabatid na nagsasagawa ng test mission ang Class 181 Scout Ranger kaninang alas-11:00 ng umaga nang makasalubong ang hindi mabilang na mga rebelde na nauwi sa bakbakan.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng napatay, habang nakuha sa grupo ang mga armas na 4 na short magazines ng M16 rifle at isang AK 47.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply