NPA utas sa engkwentro sa Surigao del Sur

UTAS ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) matapos magbakbakan ang mga rebelde at tropa ng mga sundalo sa Surigao del Sur kaninang umaga.

Sinabi ng Scout Ranger Training School Bulacan Regiment, na nagkakasa ang Class 181 Scout Ranger na pinangungunahan ng isang First Lt. Nuestro ng isang misyon sa Sitio Malitnog, sa Barangay Bitaugan, lungsod ng San Miguel nang makasalubong nila ang hindi malamang bilang ng mga rebelde dakong alas-11 ng umaga.

Nagkanya-kanya sa pagtago, pero nang makapuwesto pareho ang dalawang tropa ay nagpalitan na ng putukan na tumagal lamang ng ilang minuto.

Dahil mas marami ang bilang ng mga sundalo, umigtad ang mga rebelde at iniwan ang kanilang kasamahan na namatay sa engkuwentro.

Bagama’t wala pang pagkakakilanlan ang namatay na rebelde, nakakumpiska naman ang awtoridad ng apat na backpacks, claymore mine, apat na short magazines ng M16 rifle at AK 47 sa encounter site.

Kasama ng mga sundalo sa pakikibakbakan ang San Miguel Municipal Police Station.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply