NPA vs militar: 2 sundalo sugatan

DALAWANG sundalo ang sugatan makaraang tambangan ng mga rebelde ang dalawang convoy ng militar na susundo sana sa isang doctor at ilang lokal na health workers upang isagawa ang three-day medical mission sa Davao City.

Inatake ng hindi pa malamang bilang ng New People’s Army guerrillas ang mga military sa East Kibalang sub-village, Marilog district, Davao City, 30 kilometro ang layo mula sa city proper, bandang alas-6:00 ng gabi, ulat ngayon, Abril 20, ni Major Jacob Obligado, commander ng 10th civil-military battalion.

“A firefight erupted lasting for about 30 minutes. Two personnel from the 84th Infantry Battalion were wounded,” ayon kay Obligado.

Kasalukuyang ginagamot ang mga sugatang sundalo habang isinasagawa ng awtoridad ang pursuit operations laban sa mga umatake.

Sa kabila ng insidente, itutuloy pa rin ang medical mission kung saan maglalaan sila ng security sa mga health worker.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply