NPA vs militar: 4 sundalo, sibilyan patay

APAT na sundalo at isang sibilyan ang namatay sa panibagong pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa Labo, Camarines Norte.

Ayon kay Lt. Col. Epimaco Macalisang, commander ng Philippine Army 49th Infantry Battalion, inatake ng mga miyembro ng NPA ang  Philippine Army Peace and Development Team (PDT) sa Barangay Maot bandang alas-12:30 ng tanghali kahapon, Abril 29.

Sinabi pa ni Macalisang na ang nine-man PDT sa pamumuno ni 1st Lt. Eric Estrevillo ay nagsasagawa ng community work sa barangay nang sumulpot ang may 20 rebelde sa kung saan pinaputukan ang mga sundalo.

Nabatid pa na ang unang putok ang siyang ikinasawi ng isang sibilyan na nakilalang si Francisco Ruales, 49.

Kinilala naman ang mga namatay na sundalo na sina Corporal Amado Perillo, Pfcs Paulo Orticio; Teodoro C. Ojeda at Sonecio D. Potian sa may 40 minutong labanan.

Nakuha ng mga rebelde ang may anim na M-16 rifles, K-3 sub-machine gun at .45 pistol.

Nagsasagawa ng pursuit operations ang awtoridad laban sa mga tumakas na rebelde.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply