NPA vs militar sa Davao del Sur: 5 patay

APAT na hinihinalang miyembro ng New People’s Army at isang government militiaman ang nasawi sa sagupaan sa Davao del Sur kahapon ng hapon, ulat ng militar ngayon.

Ayon pa sa report ng militar, naganap ang engkwentro sa Brgy. Bacungan bandang ala-1:45 ng hapon kung saan humigit kumulang 30 rebelde sakay ng isang trak ang lumusob sa Talusob detachment sa naturang lugar.

Tumagal ang labanan ng 45 minuto habang narekober ang bangkay ng dalawang rebelde at ayon pa sa mga residente roon, mayroon pang dalawang patay sa panig ng NPA.

Killed in action naman ang government militiaman na si Leonardo Cainglet habang nakilala ang nasugatan na si Dionato Obias.

Nabatid naman kay Lt. Col. Alexis Bravo, Commander ng 27th Infantry Battalion, gumamit ng human shield na residente ng Brgy. San Miguel ang mga rebelde habang papatakas sa sagupaan.

Nakilala ang mga dinukot na sina Vicente Bunal, Jolly Paimalan, Elmer Entes, Rhyan Banua at Pablo Butaya.

Narekober naman sa pinangyarihan ang isang M14 rifle, isang USAS 12 gauge shotgun, fragmentation grenade, assorted ammunition at 20 backpacks.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply