NTC dapat umaksyon

DAPAT nang gumalaw ang National Telecommunications Commission (NTC) sa mga kapalpakan ng mga telco.  Marami sa complaints ay tungkol sa nawawalang mga load na inilalagay ng ating mga pobreng kababayan.

Sa Twitter social media nga, marami ang mga pumansin sa kapalpakan diumano ng Smart telco dahil sa mga nawawalang load at sa kahirapan sa pagtawag sa kanilang customer service representatives.

Sa nasabing Twitter tweets ay napakarami ang mga nagbulalas ng kanilang mga hinaing.

Eto ang mga sampol ng mga panggagalaiti ng mga subscriber ng nasabing telco.

Ani ARIELEEN@neeleira: “sana fair din ang pagsagot nila sa mga nag-aask ng assistance sa kanila sa mga Smartcare, dba. If they do really care.” Sabi naman ni Nea@-Bumpkinxx  ay “have been calling for hours” at gusto sana niyang ipagdiinan ang pagkawala ng kanyang load.

Marami ang reaksyon sa nawawalang load at sa katunayan ang sabi ng isang mingming@_jellyace ay “magpapalit n nga lang aq ng network.” Ito rin ang pinagdiinan ng isang Angela N@anorombaba. Ang sabi ni Angela: I’ve had @Smart-cares for two years now, Guess, it’s time to move on.

Ang pagdagsa ng batikos sa cyberspace kontra sa Smart ad nito na ipinangalandakan nito ang umano ay magandang serbisyo  ay isang phenomenon sa digital space sapagkat sa ngayon ang mga consumer ay puwede ng mag-post kaagad-agad ng kanilang mga puna o hinaing at kahit na papuri sa mga social media network katulad ng Twitter, Facebook at iba pang media.

Bagaman binigyan ng papuri ang nasabing advertisement ng Smart, hindi nakaligtas sa mapanuring mga Smart subscriber ang kapalpakan nito ng service. Sabi ni MayenJuico@mayen-juico sa RT@advertisinglies ay advertising success but sa service failed ito.

“Nakaiinis lang talaga,” ayon kay Hafsa Pantaran@heyitshafsa na nagsabing, “@Smartcares said they even care, where’s the CARE now? They won’t even reply my tweet.”

Napagdiskitihan din ng mga subscriber ang internet connection ng nasabing telco. Sabi ni Karen ‘khing’ Sael@iamkhinggay, “wala nang bago jan. Pag bumilis ang connection nila, yun ang BAGO!”

Pati ang customer hotline ay hindi nakaligtas dahil marami ang nagbigay pansin sa anila ay pagwawalang bahala ng telco sa mga hinaing at complaints ng mga subscribers. Bagkus, matagal bago sagutin ang mga customer complaints at ultimong ang waiting time ay inaabot ng “1 hour bago sagutin, sabi ni Luke Asentista @iamLukeA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply