NTC ipapatawag ng Kamara ukol sa ‘drop calls’

IPAPATAWAG ng Kamara ang National Telecommunications Company (NTC) para magpaliwanag sa dumaraming reklamo hinggil sa “drop calls” sa mga mobile subscriber.

Nais ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadeth Herrera-Dy, na ipaliwanag ng NTC ang drop calls na inirereklamo ng mga mobile user.

Nagaganap ang drop calls sa interconnections o kapag tumatawag sa ibang network.

Inihalimbawa ni Dy na kapag tumatawag ka sa kabilang network, ay maaaring hindi magkarinigan ang dalawang panig, o kaya naman ay nagri-ring lang sa tinatawagan o nasagot pero hindi naririnig ng tinawagan ang tumawag. Magkakarinigan lamang aniya kapag ni-redial ang tawag.

Ani Dy, sa ganitong scenario, ay kawawa ang mga cellphone user dahil dagdag gastos ito para sa kanila kaya dapat kumilos ang NTC hinggil dito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply