Nuggets lalaro sa playoff

SUMAMPA ang Denver Nuggets sa playoff matapos saltuhin ang Pheonix Suns, 118-107 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Bumato ng five of five sa 3-pointer at four of four sa free throws si Ty Lawson upang isampa ang Nuggets sa pang pitong puwesto ng Western Conference standing na may 35-28 win-loss slate.

May nalalabing tatlong laro na lamang ang Denver at para kay Nugget coach George Karl ay gusto nitong makakuha ng momentum upang malampasan ang defending champion Dallas Mavericks sa No. 6 spot.

”We have three games left and we are going to try to win all three of them There won’t be any rest going on here,” sabi ni Karl. ”We are not in that mode. We are into getting better and coming together. It is a young team that will have to learn how to win in the playoffs. On the job training, but it has been done before.”

Humablot din si Aaron Afflalo ng 19 puntos at tig-tatlong rebounds at assists habang 18 markers, 14 boards at dalawang assists ang tinikada ni Kenneth Faried para sa Nuggets.

Minalas naman sa opensa ang ace player ng Suns na si Steve Nash dahil nakapag-ambag lang ito ng walong puntos, 13 assists at anim na rebounds kaya naman nanganganib silang hindi makapasok sa final eight ng WC.

”They’ve got size, they got strength, they got a lot of skill, they can shoot the ball,” ani Nash. ”You know, they’ve got a really good team, a really deep team, so they’ve been causing a lot of problems for us and we haven’t been able to beat them.”

Nasa pang siyam sa standings ang Suns na may 33-31 panalo-talo karta habang nakapuwesto ang Utah Jazz sa pang-walo tangan ang 33-30 record.

”We got to go into Utah – tough environment, tough atmosphere, tough team – and we got to win,” mabalasik na sabi ni Suns back up guard Shannon Brown na siyang nag top scorer (28 points, six rebounds). ”That’s basically what it comes down to.”

Samantala, nakapaglaro na ulit si Derrick Rose upang suwagin ng Chicago Bulls ang Mavericks, 93-83.

Naupos naman ang Miami Heat sa Washington Wizards, 86-84.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply