Nutritional supplements malaking tulong sa kalusugan

MARAMING dahilan kung bakit mahalaga ang nutritional supplements.

Una na rito ay ang panahon.

Mabilis na lumolobo ang populasyon sa buong mundo at nagkakaroon ng consciousness ang mga tao ukol sa kanilang kalusugan at pag-iwas sa ilang uri ng malalang sakit.
Para sa inyong kaalaman, ang nutritional supplements ay naghahandog ng napakaraming kapakinabangan at epektibong paraan ito upang mapanatili ang ating magandang kalusugan.

Makatutulong din ang mga ito upang hindi tayo magkaroon ng maraming gastos sa pagpapagamot.

Mayroon ding ilang mga rason para sa paggamit ng supplements.

Halimbawa na lang sa mga nagdadalantao, kinakailangan ang karagdagang iron “Vino De Corazon” at folic acid kahit pa mayroong programmed diet na inihanda ang kanilang Ob-Gyne para siguruhin ang ligtas na pagbubuntis at panganganak ng malusog na sanggol.

Ang mas malawakang gamit ng mga nabanggit na produkto ay may kinalaman sa kakapusan sa sapat na sustansiya sa mga kinakain. Ito ay bunga ng uri ng pamumuhay ng mas nakararami sa ngayon na dahil sa palaging pagmamadali o pag-aapura, marami sa mga kinakain ay ang tinatawag na mga “madalian” o “instant.”

Ang mga ganitong uri ng pagkain ang isa sa pangunahing sanhi kung bakit marami sa atin ang may mga nutritional deficiency. Nakalulungkot mang sabihin pero totoo, na marami sa mga Pilipino ang kapos sa sapat na nutrisyon.

Dahil dito, mahirap makamit ang tamang nutrisyon mula sa regular na pagkain lamang at lalong imposible naman na magkaroon ng proteksyon mula sa ‘modern life diseases’ sa pamamagitan lamang ng pang-araw-araw na square meals.

Dito na pumapasok ang nutritional supplements bilang ayuda sa pagpuno nitong tinatawag nating nutritional gaps.

Ang nutritional supplements, tulad ng “Jimm’s Herbal capsule” ay kinapapalooban ng vitamins, minerals, herbs at iba pang sangkap mula sa halaman (na tinaguriang phytonutrients) na ginagamit para sumuporta sa mahusay na kalusugan o di kaya naman ay nagbibigay proteksiyon sa atin laban sa iba’t ibang mga karamdaman.

Sa ngayon, ang mga available o mabibiling na nutritional supplements ay capsules, concentrates, edible bars, extracts, liquids, powders, soft gels, at tablets (depende sa mga sangkap at uri ng supplements).

Ngunit hindi nangangahulugan na ang mga ito ay makapagpapagaling ng anumang sakit o makalulutas ng anumang problema sa kalusugan.

Ang mga impormasyong ito ay para lamang sa karagdagang kaalaman at hindi para impluwensyahan ang sinuman na uminom ng supplements.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply