Oban kinumpirmang bagong CDC chair

SENELYUHAN na ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Eduardo Oban, bilang bagong chairman ng Clark Development Corporation (CDC) kanina lamang.

Si deputy presidential spokesperson Abigail Valte ang hinggil sa nasabing balita.

Nag-retiro si Oban sa serbisyo nito lamang Disyembre.

Papalitan ni Oban ang iniwang puwesto ng nagbitiw na si Felipe Remollo.

Kasunod ng pag-resign ni Remollo, itinalaga ng Pangulong Aquino si Bases Conversion Development Authority (BCDA) president Arnel Casanova, bilang officer-in-charge.

Maliban kay Oban, inanunsyo rin ni Usec. Valte ang ilan pang appointments, kabilang sina Assistant Health Sec. Nemesio Gako bilang undersecretary ng kagawaran habang si World Health Organization technical officer Madeline Valera, ay itinalaga namang Assistant Health Secretary.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply