Obispo: US ‘di dapat makialam sa tensyon ng Pinas at China

HINDI dapat manghimasok ang Estados Unidos sa tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China ukol sa Scarborough Shoal.

Ginawa ang pahayag ni CBCP Episcopal Commission on Public Affairs Chairman at Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, matapos na sabihin ni Senador Gringo Honasan na dapat humingi na tayo ng saklolo sa Amerika para maresolba ang stand-off doon sa pagitan ng BRP Gregorio at mga Chinese vessels.

Sinabi ng obispo na lalo lamang magiging kumplikado ang sitwasyon kapag nakialam pa ang Estados Unidos.

Mainam aniyang makipag-usap na lamang ang Pilipinas sa China at mapagkasunduan ang mga hindi pagkakaunawaan.

Binigyan diin ni Bishop Iniguez na tamang manindigan at lumaban ang Pilipinas kung mapatutunayang bahagi ng teritoryo ng bansa ang Scarborough Shoal.

Naniniwala rin ang obispo na posibleng pagmulan pa ng panibagong kaguluhan at iinit ang tensyon kapag nanghimasok pa ang Amerika sa naturang usapin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply