Ocular inspection sa bahay ni Ramgen, naudlot

NAUDLOT ang sana ay nakatakdang ocular inspection ng Parañaque Regional Trial Court (RTC) sa bahay ng napaslang na si Ramgen Revilla matapos tutulan ng abogado ng isa sa mga akusado ang pagsusuri sa kinaganapan ng krimen.

Kinatigan ni Parañaque RTC Judge Fortunito Madrona ng Branch 274 ang hirit ni Atty. Claire Castro, abogado ni Glaiza Vista na isa sa mga akusado na hindi dapat matuloy ang ocular inspection dahil hindi nila kasama ang iba pang mga akusado.

Dahil dito, muling itinakda ng hukom ang ocular inspection sa bahay ni Ramgen sa Phase 6 BF Homes kung saan nangyari ang pagpatay at malubhang pagkakasugat sa kasintahang si Janelle Manahan.

Kanina ay hindi napigil ni Manahan ang mapaiyak nang muling balikan ang silid na kinaganapan ng pamamaslang matapos madatnan pa niya rito ang duguang unan at sapatos na bakas ng nangyaring krimen.

Kinastigo naman ni Atty. Argee Guevarra, abogado ni Manahan ang mga nagsagawa ng imbestigasyon sa kaso dahil hindi aniya nakalap na mabuti ang mga ebidensiya tulad ng duguang unan at sapatos na dinatnan pa ng kanyang kliyente sa silid.

Bukod kay Manahan, napaiyak din ang nakababatang kapatid na lalaki ni Ramgen nang muling makita ang silid kung saan pinaslang ang kanyang kuya at inihayag na nanaisin niyang mahuli ang mga tunay na salarin na may kagagawan sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply