Ocular inspection sa Ramgen slay natuloy na

MATAPOS maudlot ang ocular inspection at reenactment sa nangyaring pagpaslang kay Ramgen Revilla sa kanyang bahay, naisagawa na rin ito kanina lamang sa Parañaque City.

Pinangunahan ng kasintahan ni Ramgen na si Janelle Manahan ang muling pagbabalik-tanaw sa naganap na krimen sa mismong bahay ng biktima sa No. 4 President Avenue Phase 6-A BF Homes noong Oktubre 28, ng nagdaang taon bilang hakbang sa mabilis na pag-usad ng usapin sa sala ni Parañaque Judge Fortunito Madrona ng Branch 274.

Hindi naman napigil ni Manahan ang muling mapaiyak habang nagbibigay ng pahayag kaugnay sa  malagim na kaganapan sa loob mismo ng silid ng kanyang kasintahan kung saan sila pinasok ng nakamaskarang lalaki na bumaril sa kanya at sa kasintahang si Ramgen.

Wala naman sa isinagawang ocular inspection ang ina ni Ramgen na si Genelyn bagama’t dumating naman ang mga kapatid  ng napaslang na sina Gail, Ruben at Rafael, pati na ang mga suspek na si Ramon Joseph Bautista, Michael Nartea, Roy Francis Tolisora, Glaiza Visda, Norwin dela Cruz at Ryan Pastera. Ang ika-pitong suspek na si Ramona Belen Bautista ay kasalukuyan pa ring nasa labas ng bansa makaraang magtungo sa Turkey habang nasa kasagsagan ng imbestigasyon sa kaso.

Hindi naman pinayagan ang mga miyembro ng media na makapasok sa loob ng silid habang isinasagawa ang ocular inspection at pinahintulutan lamang na makapasok makaraan ang isinagawang re enactment.

Sa panig naman ng abogado ni Manahan na si Atty. Argee Guevarra, muli niyang minaliit ang hindi maayos na imbestigasyon ng pulisya matapos maiwan sa silid ng napaslang ang ilang mga ebidensiya kabilang ang duguang kumot at tsinelas ni Manahan pati na ang isang slug ng baril.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply