OFWs maganda ang kalagayan sa Cambodia

IPINANGALANDAKAN ni Philippine Ambassador to Cambodia Noe Wong na walang problema ang mga manggagawang Pilipino sa bansang Cambodia na nakatakdang bisitahin ni Pangulong Benigno Aquino III mamayang gabi.

Sinabi ni Wong na karamihan sa mga Pilipino sa Cambodia ay nagsisilbi bilang managers at supervisors sa mga banko, hotel at restaurant.

May ilan ding success stories ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa bansa na kapwa nagtagumpay sa kanilang mga negosyo.

Binigyang diin ni Wong na mataas ang appreciation sa mga Pinoy workers dahil sa magagaling at ipinakikitang sipag ng mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply