Ogag na DepEd official sa Malabon sibakin n’yo!

SINO itong ogag as in G.A.G.O. na opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd sa lungsod ng Malabon ang nagdudunung-dunungan pero sa totoo lang daw ay wala namang laman ang utak ng mamang ito.

Ang tinutukoy nating opisyal ng DepEd ay itong District Supervisor 11 na kung tawagin siya sa kagawaran ay si Boy Dunong or Dr. LLB  at Boy Raket.

Alam ba ninyo kung bakit binansagan ang opisyal na ito nang Boy Dunong?

Eh kasi sobrang galing ng mamang ito sa lahat ng bagay na akala mo’y siya na ang pinakamagaling sa lahat.

Pero sa totoo lang ay walang laman ang utak ng mamang ito. Kumbaga sa semento ito ‘yung ampaw.

Sa sobrang yabang nitong si Boy Dunong ay palagi niyang ipinangangalandakan ang mga letrang “LLB” sa kanyang pangalan pero ang kukote naman niya ay mapurol pa sa kinakalawang na balisong. Hehehe.

Siguro itatanong din ninyo kung bakit itong si Boy Dunong ay binansagan ng Boy Raket?

Binansagan siyang Boy Raket dahil sa napakagaling gumawa ng pera ito.

Heto ang style ng raket ni Boy Dunong.

Oobligahin niyang mag-seminar ang lahat ng mga teacher sa sakop niya at pagkatapos nito  ay isa-isa niyang pagbabayarin ang bawat participant na lalahok.

Kaya, hayun, sa ginagawa niyang kalokohan ay maraming principal at guro ang nabubuwisit sa tarantadong  District  Supervisor II na ito.

Ewan ko ba kung bakit napakalakas ng mamang ito sa pamunuan ng DepEd kaya hanggang ngayon ay hindi siya matinag-tinag sa kagawaran.

Paging DepEd Sec. Armin Luistro, pakisilip n’yo naman at kung pupuwede ay pakisibak na rin ninyo itong napakawalanghiyang District Supervisor  II  ninyo .

Anoman ang reklamo, mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply