Oil spill alert sa Quezon province itinaas ng PCG

ITINAAS pa ang alerto sa naganap na oil spill sa Quezon ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG Spokesman Lt. Commander Algier Ricafrente, pinagbawalan na ang mga mangingisda na lumapit sa karagatan sa lugar na apektado ng oil spill, partikular sa Polillo Island.

Sinabi ng opisyal na wala nang nakukuhang isda sa lugar bukod pa sa posibleng  magdulot pa ng pagkalason dulot ng tumagas na langis .
Nabatid  sa PCG na umabot na sa limang kilometro ang apektado ng oil spill.

Dahil dito,inatasan na ng pamunuan ng coast guard ang kanilang tauhan sa lalawigan na imonitor ang lugar at tumulong sa pagtukoy ng lawak ng pinsala.

Napag-alaman na alas 2:00 ng hapon kahapon nang magkaroon ng pagtagas mula sa Napocor power plant na nasa Tamaulaya, Polillo Island.

Tinatayang aabot sa 10 tonelada ng diesel ang tumagas at nakarating sa shoreline ng Polillo.

Nagpatawag na rin ng pagpupulong ang municipal mayor na nakakasakop sa lugar kasama ang PCG para matugunan agad ang oil spill.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply