Olongapo City Police Director kinasuhan

NASA hot water ngayon si Olongapo City Police Director P/Sr. Supt. Christopher Tambungan matapos ipagharap ng kasong grave threats, grave coercion at grave oral defamation sa Camp Crame.

Ang kaso ay pormal na inihain sa tanggapan ng PNP-Complaint and Referral Action Center ni Randy Datu, correspondent ng Pilipino Star Ngayon sa Olongapo City sa hangaring makamtan ang agarang hustisya sa sinapit na harassment sa kamay ni Tambungan.

Bukod dito, ilan pa sa mga dumanas ng pangha-harass at pananakot laban kay Tambungan sa kanilang lungsod ang sumama sa pagsasampa ng reklamo na kinabibilangan nina Kagawad Willy Avila, Kagawad Genaro Fermales Jr., Gng. Carolyn Miranda at ang negosyanteng si Mr. Florencio Banar .

Sa sinumpaang salaysay ni Datu, naganap ang insidente sa kasagsagan ng hostage crisis sa West Bajac-Bajac, nitong Martes, Abril 3, 2012, alas-10 ng gabi.

Ayon kay Datu, nagtungo sila ng kapwa niya mamamahayag  na sina Jeff Tumbado ng DZMM, Julie Sionzon ng GMA 7 , Johnny Reblando ng RMN News at Anthony Bayarong ng Manila Times sa lugar matapos patawagan ni Tambungan  sa isa nitong tauhan na ipinako-cover ang insidente sa kahilingan na rin ng hostage taker.

Habang nagbibigay ng instruksyon sa Special Weapons Team (SWAT) si Tambungan ay sinigawan siya nito “Hoy Ikaw Sino Ka?’, kung saan mahinahon naman niya itong sinagot ng “ Si Randy Datu po ako ng Pilipino Star Ngayon na nagko-cover ng hostage taking.”

“Putang ina ka, hindi ka kailangan dito, umalis ka rito”, ani Tambungan at itinaas ang kamay at akmang sasampalin si Datu pero hindi nito itinuloy sa halip ay hinawakan siya sa balikat at itinulak palabas ng gate ng compound na muntik nang mapasubsob sa kalye.

Ang insidente ay nauna na ring kinondena ng International Federation of Journalist (IFJ) sa pangunguna ni IFJ Asia Pacific Director Jacqueline Park.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply