Online Visita Iglesia inilunsad

INILUNSAD ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Online Visita Iglesia, alternatibong paraan sa mga namamanata sa pagbisita sa iba’t ibang simbahan ngayong Semana Santa.

Ayon kay CBCP Media Director Monsignor Pedro Quitorio, makakatulong ang ganitong proyekto upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makita at malaman ang istorya ng iba’t ibang simbahan kahit hindi umaalis ng kanilang tahanan o kahit habang nagtatrabaho.

Malaki rin aniya ang maitutulong nito sa mga may sakit, matatanda at mga overseas Filipino worker (OFW) lalo na sa mga marino upang muling masulyapan ang mga simbahan sa bansa at makapagnilay-nilay.

Para sa listahan ng mga simbahang itinampok ng CBCP ngayong Semana Santa, maaaring bisitahin ang www.visitaiglesia.net.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply