Online Visita Iglesia pumatok

PUMATOK ang inilunsad na online Visita Iglesia ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kung saan pumalo sa 200,000 ang bumisita sa website.

Sa pinakahuling rekord ng online site, umabot na ito sa 195,256 visitors, alas-10:30 ngayong umaga, Biyernes Santo, Abril 6.

Nalampasan na nito ang rekord noong nakaraang taon, kung saan higit 100,000 visitors lang naitala hanggang Biyernes Santo.

Taong 2010 pa nang ilunsad ng CBCP ang online Visita Iglesia. Ito ay ang alternatibong paraan upang makibahagi ang mga overseas

Filipino worker (OFW), maysakit at matatanda sa tradisyunal na pakikiisa sa ‘daan ng Krus’ ni Hesus, ilang libong taon na ang nakararaan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply