Opisyal ng ISAFP sa Bulacan itinumba

SAN RAFAEL, BULACAN – Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang kagawad ng Philippine Navy na nakatalaga bilang Team Leader ng Intelligence Service Armed Forces of the Philippines kahapon.

Sa ulat kay PS/Supt. Fernando Mendez Jr., Provincial Director ng Bulacan Provincial Police Office, ni P/Supt. Rodolfo “Boy” Hernandez, hepe ng San Rafael PNP Station, nakilala ang biktima na si Petty Officer 3 Segundo V. Infantado, team leader ng Spot Bulacan, Military Intelligence Group-3 ng ISAFP na nakabase sa Camp Sevillano Aquino Tarlac.

Ayon kay Hernandez, nilapitan at binaril ng hindi pa nakikilalang suspek si Infantado habang papalabas sa isang hindi pinangalanang resort at nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo at dalawa sa katawan na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow up operation ang Bulacan PNP para tugisin ang mga hindi pa nakikilalang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply