P1.5-M ari-arian naabo sa sunog sa Maynila

TINATAYANG P1.5 milyon ang naabo makaraang magkasunog sa isang residential-commercial area sa Ermita, Manila kaninang umaga.

Ayon sa report ng dzBB, naganap ang sunog sa kanto ng Padre Faura at M.H. del Pilar st. na nagsimula bandang alas-8:00 ng umaga na umabot sa ikalimang alarma.

Wala namang napaulat na nasaktan sa naturang sunog kahit pa marami ang nagpabalik-balik na mga residente upang isalba pa ang kanilang mga gamit.

Base naman sa hiwalay na report, tinatayang umabot naman sa P1.5 milyon ang halaga ng mga nasunog na bahay at commercial establishment.

Sinasabing sa bahay ng isang Evelyn Villanueva sumiklab ang apoy.

Kasalukuyan pang inaalam kung ano ang sanhi ng sunog.

Nagdulot din ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang nasabing sunog.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply