P1-M pekeng relos, lingerie nasabat sa Cebu

UMAABOT sa P1 milyon ang halaga ng mga pekeng produkto kabilang ang mga relos at lingerie ang nasabat ng tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang Indian national sa Cebu.

Sa ulat, tinago ng suspek na si Sanjay Kaira ng Sikatuna corner Chavez St., Cebu ang limang bag ng mga relos, dalawang bag ng quartz batteries at isang bag ng woman lingerie sa kanyang mga bagahe habang sakay ng SuperFerry 12 noong Martes.

Ayon kay Lt. Commander Algier Ricafrente, spokesman ng PCG, walang naipakitang anumang ligal na dokumento si Kaira na pag-aari niya ang mga nasabing produkto

Inimbitahan si Kaira sa tanggpan ng Coast Guar Station Cebu para sa pagsisiyasat at imbentaryo at nakuha ang 3,229 na mga relos kasama ang mga baterya na may halagang P937,025.00.

Si Kaira ay kasalukuyang nasa kustodiya ng BUCUS 7 kabilang ang mga nakumipskang produkto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply