P10 milyon, 5 bahay naabo sa sunog sa Taguig

TINATAYANG P10 milyon ang halagang natupok na ari-arian habang limang bahay naman ang naabo makaraang masunog ang isang pagawaan ng fiber glass sa Brgy. Ibayo Tipas, Taguig City kaninang umaga, Abril 4.

Nabatid na nagsimula ang apoy sa pabrika ng fiber glass na pag-aari ng isang Romeo Valderama.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga nakaimbak na pintura at mga materyales sa paggawa ng fiber glass.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nag-umpisa ng alas-6:00 ng umaga at idineklarang fire out makalipas ang halos isang oras.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply