P100-M pa kailangan sa Comelec-ballot boxes

MADADAGDAGAN ng mahigit P100 milyon ang magagastos ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2013 elections.

Ito’y bunsod nang pagtanggi ni Transportation Secretary Mar Roxas na bawiin ang inihaing electoral protest laban kay Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., dahil sa election protest ay wala na silang magagawa kundi magsagawa ng bidding para sa procurement ng mga bagong ballot boxes at iba pang election paraphernalia.

Paliwanag nito, ang mga dating ballot boxes ay ginagamit sa nakabinbing electoral protest ni Roxas.

Sa ngayon, sinabi ni Brillantes na naghahanda na sila para sa public bidding ng mga bibilhing ballot boxes na gagamitin sa 2013 senatorial polls.

Ang nakikitang pag-asa na lamang ng Comelec upang makatipid ay kung papayag ang Korte Suprema na umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET) na ipagamit ang mga nasabing lumang ballot boxes.

Una nang lumagda ang Comelec sa Smartmatic International para sa pagbili ng mga precinct count optical scan (PCOS) machines pero hindi kasama rito ang iba pang serbisyo at election paraphernalia na ginamit noong 2010 national and local elections.

Kabilang na rito ang ballot boxes, ballot papers, at ballot printing dahil kinakailangan itong dumaan sa public biddings.

Matatandaan na dahil sa automated na ang halalan noong May 2010 elections, ay makabago na rin ang ginamit na ballot box ng Comelec.

Ang nasabing ballot box ay kulay itim, na gawa sa plastic na may translucent na bintana sa magkabilang gilid.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply