P100M budget sa ballot boxes binatikos

MARIING binatikos ng isang Catholic archbishop ang P100 milyon budget ng Commission on Elections (Comelec) sa pagbili ng bagong ballot boxes para sa 2013 midterm election sa bansa.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, pagsasayang lamang ng pera ng bayan ang hakbang ng Comelec na bumili ng bagong ballot boxes na nagkakahalaga ng P100 milyon.

Aniya, mayroon namang mga ballot box na ginamit noong nakalipas na presidential elections na hindi magamit dahil sa election protest ni dating Senador Mar Roxas laban kay Vice President Jejomar Binay.

Giit ni Cruz, na maraming nagugutom at naghihirap na dapat paglaanan ng pondo kaysa sa ballot boxes na hindi naman napakikinabangan ng taumbayan.

Binigyang-diin pa nito na mas dapat tutukan ng Comelec ay kung papano matitiyak na maayos at credible ang halalan sa susunod na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply