P1B lugi ng hog, chicken raisers kada buwan

HINILING ni Agap Partylist Rep. Nicanor Briones kay Agriculture Sec. Proseso Alcala ang pagpapasibak sa puwesto sa dalawang opisyal na nagiging dahilan aniya ng pagkalugi ng hog at poultry raisers sa bansa.

Ayon kay Briones, kanilang ipinasisibak sina National Meat Inspection Service (NMIS) Dir. Jane Bacayo at Dir. Efren Nuestro.

Ani Briones, malaki ang lugi sa kanilang negosyo dahil sa hindi sinusuri ni Bacayo ang mga ‘Request for Accreditation’ sa pag-i-import na dapat inaalam ang kakayanan ng mga importer.

Umaabot sa halos P1 bilyon kada buwan ang lugi ng hog at chicken raisers simula noong Hulyo 2011, ito ay dahil umano sa pagpapatuloy ng pag-iral ng technical smuggling o misdeclaration.

Binigyang diin ni Briones na dahil sa misdeclaration, malaki rin ang natitipid ng mga umaangkat dahil mula sa P650,000 na taripa ay nasa P20,000 hanggang P30,000 na lamang ang nababayaran kada container.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply