P2.20B koleksyon ng BI sa mga dayuhan sa Pinas

UMABOT sa P2 bilyon ang kinita ng pamahalaan sa mga dayuhang nagtagal ang pagbisita sa Pilipinas noong isang taon.

Sa datos na nakalap, umabot sa P2,208,158,425.57 ang ipinasok sa kaban ng bayan ng tanggapan ng Immigration Regulation Division (IRD) sa ilalim ng pamumuno ni Danilo Almeda.

Ayon pa kay Almeda, mas mataas ito ng 37.60 porsyento o P829, 167,146,78 milyon sa nakolekta noong 2010, mula sa punong tanggapan ng IRD sa Intramuros, Maynila at sa 51 subport ng kawanihan sa buong bansa.

Hindi pa kasama sa nasabing koleksyon ang kinita ng kawanihan mula sa ibinayad na aplikasyon ng mga dayuhan para mabigyan ng immigrant at non-immigrant visas, employment permit, study permit, at special study permit, clearance certification at iba pang dokumentong kailangan ng taumbayan sa kawanihan.

Ang IRD ay maikokonsidera na pinamalaking tanggapan sa loob ng immigration dahil sa lawak ng responsibilidad nito at sa dami ng kawani. Ito ang nagpapatupad ng mga batas hinggil sa pandarayuhan sa bansa, pagpapatala sa mga pumapasok na dayuhan, aplikasyon sa pagpapalawig ng pananatili, at aplikasyon sa ibinibigay na alien registration identity card (I-CARD), at pagpataw ng administrative penalty sa mga barkong pumapasok at umaalis ng bansa.

Ito ay nasa pangagasiwa at control ni Immigration Associate Commissioner Abdullah Mangotara at kabilang sa mga opisinang sakop ng IRD ay ang Visa Extension Office, subport at satellite offices, at ang Bay Service Section.

Sinabi rin ni Almeda na ang pangkalahatang kapayapaan sa Pilipinas at ang ‘tourist-friendly’ na mga patakarang ipinatutupad ni Commissioner Ricardo David Jr. ang mga dahilan kung bakit tumatagal sa Pilipinas ang mga dayuhan.

Batay sa datos, ang IRD main ang may pinamataas na koleksyon mula Enero hanggang Disyembre ng taon 2011 kung saan umabot sa P908,599M ang nakalap nito mula sa ibinayad na immigration at express lane fees.

Habang ang Cebu district office sa ilalim ni alien control officer Casimiro Madarang III naman ang nakapagtala ng pinamakataas na koleksyon sa hanay ng mga subport at satellite offices sa buong bansa, kung saan umabot sa P373,673 ang kabuuang koleksyon ng nasabing tanggapan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply