P2-M alahas tinangay sa isang bazaar sa Baguio City

TINATAYANG aabot sa P2 milyon ang halagang natangay ng mga magnanakaw nang looban nila ang Tiongsan Super Bazaar sa Harrison Road, Baguio City sa pamamagitan ng tunneling.

Nabatid na nakuha ng mga magnanakaw ang wristwatch sa unang palapag ng nasabing bazaar.

Base sa imbestigasyon, nagulat na lamang ang mga janitor ng nasabing establisimyento nang matagpuan nila ang isang malaking butas sa pader ng basement o grocery store.

Pinasok ng mga suspek ang bazaar sa pamamagitan ng paghuhukay ng malaking tunnel mula sa Harrison Road papasok sa unang palapag ng tindahan.

Nakagawa rin ang mga ito ng lagusan patungo sa Rose Garden ng Burnham Park na tinatayang may habang mahigit sa 500 metro.

Narekober sa loob ng tunnel ang dalawang 4×16 na kahoy, tatlong hydraulic jacks, dalawang plumb bobs, electric drill, dalawang auger brace, fluorescent bulbs, martilyo, headlights, pliers, crow bars, screw drivers at iba pa na sinasabing ginamit umano ng mga magnanakaw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply