P3.5M gastos ni PNoy sa Cambodia trip

TINATAYANG aabot sa P3.5 million ang gastos ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagdalo sa taunang pagsasama ng mga lider na kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng regional group sa Cambodia mula Abril 3 hanggang 4.

Ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., pangungunahan ni Pangulong Aquino ang 63-member delegation para sa dalawang araw na komperensya roon kasama sina Foreign Secretary Albert del Rosario, Finance Secretary Cesar Purisima, Transportation and Communications Secretary Manuel Roxas III, Energy Secretary Jose Rene Almendras, Trade Secretary Gregory Domingo, Mindanao Development Authority chairperson Secretary Luwalhati Antonino, Social Welfare and Development Secretary Corazon Soliman at Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.

Sinabi ni Ochoa na ang P3.5-million budget ay gagamitin para sa hotel accommodations, food, transportation, telecommunications at equipment requirements.

“The President will be participating in the plenary sessions and bilateral meetings, including the 8th Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area Summit, as well as meet our kababayans living and working in Cambodia,” ayon kay Ochoa.

Kahalintulad aniya sa 19th ASEAN Summit sa Bali, Indonesia noong Nobyembre ng nakaraang taon ay inasahan na tatalakayin ni Pangulong Aquino ang pagpapanatili ng kapayapaan, stability, maritime safety at security sa West Philippine Sea.

Partikular na itutulak ni Pangulong Aquino ang  Zone of Peace, Freedom, Friendship and Cooperation (ZoPFFC) na nauna na niyang iprinisinta noong Mayo 2011 nang idaos ang 18th ASEAN meeting sa Jakarta, para tugunan ang territorial disputes sa West Philippine Sea.

Samantala, sinabi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tatalakayin din ni Pangulong Aquino sa kanyang mga kapwa lider sa ASEAN sa oras ng informal meetings ang planong rocket launch ng North Korea, na nauna nang iprinotesta ng Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply